Bahagyang lumakas ang halaga ng piso kontra dolyar.
Mula sa naitalang 58.98 kada dolyar noong Miyerkules, nagsara ang palitan kahapon sa 58.91.
Ayon kay Chief Economist Michael Ricafort ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC), nakakuha ng suporta ang piso mula sa overnight correction ng global stocks at bonds at ang downward correction ng greenback kasunod ng temporary long-dates bond purchases program ng Bank of England.
Samantala, tinitingnan ni Ricafort ang susunod na resistance level ng piso sa pagitan ng 59.00 hanggang 59.25, habang ang agarang suporta ay tinatayang nasa 58.50 hanggang 58.75 levels. —sa panulat ni Hannah Oledan