Bahagyang lumakas ang piso laban sa dolyar.
Nagsara ang palitan sa P52.03 kada US dollar kahapon.
Kumpara ito sa P52.07 bawat dolyar noong Miyerkoles.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang lumalagong remittances mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa unang quarter ng taon o simula noong Enero ang dahilan ng muling paglakas ng piso kontra dolyar.
Lumago nitong Enero ang remittances o 2.38 billion dollars kumpara sa 2.16 billion dollars sa kaparehong panahon noong isang taon.
—-