Bumulusok pa ang halaga ng piso sa Pilipinas dahil sa mataas na inflation at paghina nito laban sa dolyar.
Ayon kay Claire Dennis Mapa, Chief at National Statistician ng Philippine Statistics Authority, ang halaga ng isang piso noong 2018 ay bumaba sa 85 centavos nitong Oktubre.
Katumbas ito ng 86 centavos na naitala naman noong Hulyo.
Ang purchasing power ng Philippine peso ay kinakalkula sa pamamagitan ng pag-divide dito ng Consumer Price Index, at i-multiply sa 100.