Bumagsak ang halaga ng piso sa harap ng mga pangamba ng mga pandaigdigang merkado sa pagpapalitan ng banta ng Amerika at North Korea.
Pumalo sa P51.08 ang palitan ng piso sa dolyar o mas mababa ng sampu at kalahating sentimo sa P50.79 na palitan kahapon.
Ito na ang pinakamabang lebel na inabot ng halaga ng piso kontra dolyar mula noong 2006.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Governor Nestor Espenilla, masusi silang nakamonitor sa galaw ng piso upang agad makagawa ng paraan sakaling magpatuloy ang pagdausdus nito.
By Len Aguirre