Bahagyang tumaas ang halaga ng piso kontra sa dolyar sa pagbubukas ng unang araw ng trading week.
Lumakas ng 1.50 ang halaga ng piso matapos maitala ang closing rate sa 53.46 mula sa halaga nitong 53. 475 nuong Biyernes.
Ayon sa market economists, tumaas ang halaga ng piso dahil sa tinatayang mataas na local inflation sa nakalipas na buwan na maaaring magpataas pa ng expectation para sa posibleng rate hike mula sa Bangko Sentral ng Philippinas (BSP) ngayong buwan.
Bukas, Setyembre 5 nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang consumer price index at headline core inflation report.
Una nang inihayag ng BSP ang inaasahang inflation sa 5.9% nuong Agosto.