Bahagyang tumaas ang halaga ng piso kontra dolyar nitong mga nakaraang linggo matapos nitong bumaba sa 59 noong unang bahagi ng Oktubre.
Binuksan nito ang araw sa 57.25, mas mataas kaysa sa 57.45 nitong pagsisimula noong Lunes.
Nakipagkalakalan ito sa pagitan ng 56.94 at 57.33, na nagreresulta sa average na 57.203.
Samantala, ayon sa mga analyst at ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang piso ay makakatanggap ng suporta mula sa mga Overseas Filipino remittances, na karaniwang tumataas sa panahon ng pasko. —sa panulat ni Hannah Oledan