Lumabas sa foreign exchange summary ng Bank Association of the Philippines’ (BAP) na bumagsak sa 54.065 pesos ang halaga ng piso kontra dolyar.
Paliwanag ni Michael Ricafort, Economist mula sa Rizal Commercial Banking Corp., na ang paglakas ng US dollar ay kasabay na rin ng pag-aksyon ng US government na mapababa ang inflation rate sa kanilang bansa.
Aniya, maging ang iba pang currency sa asya ay humina rin kumpara sa US dollar.
Samantala mababatid na ito ang pinakamababang natitala na halaga ng piso mula noong Oktobre a-12 taong 2018 kung saan nagkakahalaga ng P54.08 ang isang US dollar.