Posibleng humina ang halaga ng piso kontra dolyar ngayong linggo sa gitna ng inaasahang pagbilis ng inflation noong Oktubre.
Sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ilan pang ekonomista, posibleng umabot sa P50.60 centavos hanggang P51 ang exchange rate ng kada dolyar ngayong linggo.
Magugunitang bahagyang lumakas noong isang linggo ang piso kontra dolyar matapos magsara ang palitan sa 50.41 noong Biyernes.
Gayunman, malaki ang magiging epekto ng patuloy na oil price hike at inflation rate sa performance ng piso.
Inaasahang ilalabas naman sa Nobyembre 5 ng Philippine Statistics Authority ang inflation data para sa buwan ng Oktubre, na maaaring umabot sa 4.5 hanggang 5.3%.—sa panulat ni Drew Nacino