Lalo pang sumadsad ang halaga ng piso sa ika-apat na sunod-sunod na trading day dahilan upang maitala ang panibagong all-time low record mula sa naiulat kahapon.
Sa inilabas na bulletin ng Bankers Association of the Philippines, nagsara na sa 57 pesos ang halaga ng piso kada dolyar.
Matatandaan na naitala kahapon ang pinakamababang record matapos magsara ang palitan sa 56 pesos & 99 centavos.
Samantala, pumalo ang inflation clocked sa 6.3% para sa buwan ng Agosto, na mas mabagal kumpara sa 6.4% na naitala noong Hulyo.