Lalo pang lumagapak ang halaga ng piso kontra dolyar sa ikatlong sunod na araw ngayong linggo.
Sa inilabas na bulletin ng Bankers Association of the Philippines, nagsara ngayong araw sa 57 pesos & 13 centavos ang halaga ng piso kada dolyar.
Matatandaan na naitala kahapon ang pinakamababang record matapos magsara ang palitan sa 57 pesos.
Samantala, inihayag naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla ang posibilidad ng policy tightening at sinabing kinakailangang tugunan muna ang food supply at petroleum prices bago ikonsidera ang “pause” bunsod ng pagtaas ng rates basis points.