Lalong sumadsad ang halaga ng piso kontra dolyar.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, nagsara ang palitan kahapon sa P51.53 ang halaga ng piso sa kada US dollar.
Kumpara ito sa P51.40 na exchange rate noong Miyerkules.
Ito na ang pinakamahinang performance ng piso simula noong August 24, 2006.
—-