Muling bumaba sa 51 pesos level ang halaga ng piso kontra dolyar makalipas ang dalawang buwan.
Ito ay matapos magsara ang piso sa P51.10 kada isang dolyar kahapon.
Mas mababa ito ng P26.05 sa pagsasara ng palitan noong Lunes na umabot sa P50.83 centavos kada dolyar.
Ayon sa mga eksperto, posibleng walang naging malaking epekto sa halaga ng piso ang naitalang pag-angat ng ekonomiya sa huling quarter ng 2017.
Huli namang naitala ang pinakamababang halaga ng piso konbtra dolyar noong Nobyembre 14 ng nakaraang taon na pumalo sa P51.18.
—-