Muling bumulusok sa 51 level ang halaga ng piso kontra dolyar.
Nagsara ang palitan sa P51.08 kahapon kumpara sa P50.98, noong Biyernes.
Ito na ang pinakamahinang performance ng piso laban sa US dollar sa nakalipas na 11 taon.
Ang pagsadsad ng halaga ng piso ay isinisi ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP at Malacañang sa sitwasyon ng pulitika sa mundo gaya ng palitan ng banta ng US at North Korea na nakakaapekto na sa World Market.
Gayunman, muling tiniyak ni Bangko Sentral Governor Nestor Espenilla hindi tuluyang babagsak ang Piso dahil malakas at metatag ang ekonomiya ng Pilipinas.
By Drew Nacino