Bahagyang nakabawi ang halaga ng piso kontra dolyar sa pagsasara ng kalakalan sa merkado kahapon.
Ito ay matapos ang limang araw na sunod-sunod na pagsadsad at pagtala ng record low ng piso laban sa US dollar.
Batay sa datos, nadagdagan ng 36 na sentimos ang halaga ng piso para magsara sa P 56.82.
Bahagya itong mataas kumpara sa all-time low na halaga ng piso noong huwebes na nasa P 57.18 centavos.
Sinabi naman ni Rizal Commercial Banking Corporation Chief Economist Michael Ricafort na ‘healthy correction’ ang paglakas ng piso.
Ngayong 2022, umabot na sa P 5.821 ang inihina ng piso laban sa US dollar.