Bahagyang sumampa sa 55 level ang halaga ng piso kontra dolyar.
Sa gitna ng trading kahapon, umakyat ang palitan sa P55.15 kada isang dolyar bago tuluyang nagsara P54.78.
Kumpara ito sa P54.98 nang magtapos ang trading noong Biyernes.
Huling tumapak sa 55 peso level ang halaga ng piso kontra dolyar noong October 27, 2005.
Isa sa mga itinuturing na dahilan nang paghina ng piso sa kabila ng pagluluwag ng gobyerno sa COVID-19 alert status ay ang tumataas na halaga ng imports kasabay ng pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.