Patuloy ang paghina ng piso kontra dolyar.
Nagsara kahapon ang halaga ng piso sa P53.475 kontra isang dolyar mula sa P53.430 nuong Huwebes na mas mababa ng 4.5 centavos.
Paliwanag naman ng chief economist ng UnionBank of the Philippines na si Ruben Carlo Asuncion, ang paghina ng piso kontra dolyar ay bunsod ng tensyon sa pagitan ng Amerika at China.
Nakaapekto umano sa market currencies ang plano ni US President Donald Trump na patawan ng mas mataas na taripa ang $200 bilyon na halaga mga produkto mula China.