Bahagyang lumakas ang piso kontra dolyar sa halagang P57.97 centavos.
Matatandaang bumagsak ang halaga ng piso noong nakaraang linggo na umabot pa sa P59.
Ayon kay BDO Capital President Ed Francisco, posibleng magsuporta sa local currency ang milyong pisong halaga ng inward remittances sa nalalabing tatlong buwan ng taon.
Gayunman, may posibilidad pa rin aniyang bumagsak pa sa P60 ang palitan ng piso katumbas ng isang dolyar. —sa panulat ni Jenn Patrolla