Bumaba ng 12 porsyento ang halaga ng produksyon ng metal ng bansa sa Unang Quarter ng taon.
Ipinabatid ng Mines and Geosciences Bureau o MGB na ito’y dahil sa hindi magandang lagay ng panahon at paglambot ng presyo ng metal sa World Market.
Sa monitoring ng MGB, umabot lamang sa P22.09 Bilyon ang halaga ng produksyon ng metal sa unang bahagi ng taong ito, kumpara sa P24.98 Bilyon na naitala kaparehong period noong 2015.
By: Meann Tanbio