Tumaas ang halaga ng natatanggap na remittance ng bansa mula sa Overseas Filipino Workers (OFW) nitong Mayo.
Sa inilabas na datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nasa $2.70 billion o katumbas ng halos P152-B ang natanggap na personal remittance.
Mas mataas ito ng 2% kumpara sa $2.65 billion o halos P150 billion na natanggap ng bansa sa kaparehas na panahon nuong nakaraang taon.
Dahil dito, sumampa na sa $14.02 billion o mahigit P788-B ang natatanggap na personal remittance ng bansa sa unang limang buwan ng 2022.
Ipinabatid ng BSP na bunsod ito ng mga ipinapadalang remittance ng land-based workers na may higit isang taon ang kontrata at ng mga sea at land-based workers na wala pang isang taon ang kontrata.
Malaking bahagi ng natatanggap na remittance ng bansa ay mula sa mga bansang Amerika, Saudi Arabia, Japan, Qatar at Singapore.