Lalo pang nawalan ng halaga ang arawang suweldo ng mga manggagawang Pinoy dahil sa inflation.
Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines o TUCP mula noong Enero ay bumagsak na ang halaga ng iniuuwing sahod ng mahigit sa 10 milyong manggagawang Pinoy.
Batay anila sa datos ng National Wages and Productivity Commission, P116 ang nawalang halaga sa P481 na daily minimum wage sa Metro Manila o mahigit sa P3,000 kada buwan mula noong Enero dahil sa inflation.
Ayon kay Alan Tanjusay, Spokesman ng TUCP, ang nawalang halaga ng pera ay sapat nang pambayad ng tubig at ilaw o pambili ng mga pangunahing pangangailangan ng bawat pamilya.
By Len Aguirre