Aabot sa mahigit 12 milyong piso ang halaga ng tulay na bumigay kamakailan sa Zamboanga City na naging dahilan ng pagkahulog ng dalawang mambabatas at ilang opisyal ng pamahalaan sa tubig.
Isiniwalat ito ni House Committee on Housing and Urban Development Chair Alfredo Benitez, ilang araw matapos siyang mahulog sa maruming tubig kasama sina Zamboanga City Representative Celso Lobregat, Mayor Beng Climaco at iba pang opisyal.
Maliban dito, ibinunyag din ni Benitez na nagkakahalaga ng P220,000 ang bawat isang “house on stilts” na kanilang iniimbestigahan.
Tiniyak ni Benitez na tatalakayin at sisiyasatin nila ang nasabing isyu oras na mag-resume muli ang sesyon ng Kongreso.