Pumapalo na sa kabuuang P1.38 bilyon halos 28 milyong dolyar ang naibigay na tulong ng Amerika sa bansa para labanan ang COVID-19 pandemic.
Ang nasabing halaga, ayon sa US Embassy ay hindi lamang bakuna kundi iba’t ibang medical supplies at facilities.
Tiniyak ng US government ang patuloy na tulong sa Pilipinas sa COVID-19 pandemic response nito.