Magpapaliwanag ang Meralco sa customers nila kaugnay sa kanilang bayarin sa kuryente.
Ito ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga ay sa pamamagitan ng ipapadala nilang sulat sa lahat ng consumers.
Sinabi ni Zaldarriaga na idedetalye sa sulat ang estimated at actual costs gayundin ang proseso kung paano nakuha ang halaga ng babayaran.
Nauunawaan naman aniya nila ang taumbayan na nabigla sa naipong bayarin sa kuryente.
Muling ipinabatid ni Zaldarriaga na hindi kailangang bayaran ng bigla ng customers ang kanilang bill na uubrang installment sa loob ng susunod na anim na buwan.