Lumiit ang halagang nabibili ng arawang minimum wage batay sa pag-aaral ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay, nabawasan ng 155 pesos ang halagang nabibili ng 512 pesos na daily minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila o 357 pesos na tunay na halaga.
Kahit aniya parahong may trabaho ang tatay at nanay na mayroong minimum na suweldo, kulang pa rin ito sa pamilyang may limang miyembro.
Iginiit ni tanjusay na 1,200 pesos kada araw ang kailangan ng isang pamilya upang mabuhay ng disente at maayos.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, bahagyang nagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin mula Enero hanggang Abril kaya’t lumaki ang perang kailangan para mabili ang pangunahing pangangailangan ng pamilya.
—-