Dapat ng ikasa ang Halal-type COVID-19 vaccines para sa mga Muslim, lalo sa Mindanao na tumatanggi pa ring magpabakuna.
Ito ang inihayag ni National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser, Dr. Ted herbosa matapos ang sentimyento ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang komunidad sa Mindanao ang tumututol sa bakuna dahil sa relihiyon.
Ayon kay Herbosa, mahalagang mapagbigyan ang hiling ng Muslim Community na magkaroon ng Halal-type COVID vaccine upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa Mindanao.
Enero noong isang taon nang ihayag ni dating Food and Drug Administration Chief Eric Domingo na gumagawa na ng paraan ang mga Vaccine manufacturer upang makakuha ng Halal Certification.