Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi maaapektuhan ng pagpapalit ng kanilang hepe ang halalan 2022.
Ayon kay PNP-Public Information Chief Brigadier General Roderick Alba, nakalatag na ang kanilang hakbang para masiguro ang payapang halalan.
Tiniyak naman ni Alba na magkakaroon ng maayos na turn-over sa pagitan ni PNP Chief Dionardo Carlos at ng bagong uupong hepe.
Sa Mayo a-8 magreretiro si Carlos na siyang bisperas ng halalan 2022.
Pero sa ngayon, wala pang pinal na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging kapalaran ni Carlos.