Binigyang diin ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat gawing palusot ang COVID-19 pandemic para ipagpaliban ang halalan 2022.
Ayon kay Robredo, marami pa ring bansa ang matagumpay na nakapagsagawa ng halalan sa harap ng health crisis sa bansa.
Kabilang sa mga bansang ito ang Estados Unidos, Singapore, Sri Lanka, South Korea, Belarus at Myanmar.
Aniya, posibleng makatulong ang eleksiyon sa pagtugon sa nararanasang pandemic sa bansa.
Samantala, ipinapaubaya na ng Palasyo sa Comelec kung magkakaroon ng bagong paraan sa pagboto sa pamamagitan ng mail, isang voting method na ginamit sa US. — Sa panulat ni Rashid Locsin.