Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na malabong maaantala ang halalan 2022 kahit na humaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni Spokesperson James Jimenez matapos umapela ang Coalition for Life and Democracy na aksyunan ng poll body ang inihaing petisyon nito noong Disyembre 10, 2021, na ilipat ang eleksyon sa May 9, 2025.
Sinabi ni Jimenez na marami ang magbibigay ng mga dahilan para lamang maantala ang may polss ngunit hindi ito mangyayari.
Aniya, ang pag antala sa eleksyon ay isang paglabag sa konstitusyon ng bansa at walang nakikita ang comelec na rason para ipagpaliban ito.
Dahil sa Constitutional Provisions na ito, iginiit ni jimenez na hindi maaaring kanselahin ang eleksyon sa Mayo 2022 kagaya ng Barangay elections.
Giit ni Jimenez na tuloy ang halalan 2022 at hindi umano ito made-delay.