Tuloy na tuloy pa rin ang pagdaraos ng 2022 Presidential election sa susunod na taon.
Ito ang binigyang diin ni Commission on Election (Comelec) Spokesperson James Jimenez sa kabila ng nararanasang pandemya sa bansa.
Ayon kay Jimenez, walang dahilan upang kanselahin ang eleksyon dahil lang sa nangyayari sa India.
Magugunitang patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang kaso sa India kung saan marami na rin ang namamatay.
Buko dito, sinabi ni Jimenez, hindi makatwiran ang pagkansela sa halalan 2022 dahil lamang sa nararamdamang takot ng mga Pilipino sa nangyayari sa ibang bansa. — sa panulat ni Rashid Locsin.