Nagsimula na ngayong araw ang halalan para sa mga bagong opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP.
Ayon kay Fr. Melvin Mejia, CBCP Secretary General, posibleng mahalal muli si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas bilang Pangulo ng CBCP dahil nakakaisang termino pa lamang ito.
Pinapayagan ang mga opisyal ng CBCP na magsilbi ng dalawang magkasunod na termino.
Inaasahang maghahalal din ang mga obispo ng mga miyembro ng 10-man permanent council.
By Jelbert Perdez