Inihayag ng Department of Health (DOH) na posibleng hindi matuloy ang halalan sa mga lugar na makikitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 hanggang sa araw ng eleksyon.
Ayon ito kay health secretary Francisco Duque III na bagama’t may posibilidad ay kailangan pa ring pagbasehan ang metrics ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng Alert level system.
Aniya, ang 2-week growth rate, Average Daily Attack Rate, at Healthcare Utilization Rate ang magiging sukatan para sa itatakdang Alert level sa ilang lugar sa bansa.