Aarangkada na ang halalang pampanguluhan sa Estados Unidos ilang oras mula ngayon.
Binatikos naman ni Republican Nominee Donald Trump ang ginawang pag-abwelto ng Federal Bureau of Investigation o FBI sa email probe laban kay Democrat Candidate Hillary Clinton.
Nanawagan si Trump sa mga mamamayan iparamdam ang hustisya laban kay Clinton kasabay ng pagsisiwalat na pinoprotektahan umano ito ng maruming sistema.
Nagtataka si Trump kung paano natapos agad ng FBI ang imbestigasyon gayung mahigit 600,000 emails ang kailangan nitong i-review na nagawa lamang nito ng walong araw.
By Jelbert Perdez