Dahil bumaba na ang COVID-19 restriction sa Metro Manila, naging problema na ang pagdami ng sasakyan kasabay polusyon sa hangin.
Isang paraan para mabawasan ang polusyon ay ang pag-alaga ng mga halaman, may benepisyo ito tulad ng mga sumusunod;
- Ang halaman ay nagbibigay ng oxygen at nagtatanggal ng carbon dioxide sa paligid.
- Inaalis din ng house plants ang toxins sa ating kapaligiran.
- Makaiiwas tayo sa trangkaso at ubo.
- Natural humidifier ang mga house plants
- Nakakapagsaya ang pag-aalaga ng halaman
- Mas gaganda at hihimbing ang iyong tulog.
- Ang halaman sa loob at labas ng bahay ay panlaban sa init ng panahon at global warming.
Tandaan lamang na dapat palitan ang tubig ng halaman bawat linggo para hindi tirhan ng kiti-kiti na puwedeng magdulot ng dengue. – sa panulat ni Abby Malanday