Patay sa Malaysia ang umanoy half brother ni North Korean Leader Kim Jong-Un.
Ayon sa Yonhap news agency mula sa South Korean Government source Lunes ng umaga nang masawi sa Malaysia si Kim Kong Nam.
Mula naman sa report ng TV Chosun, isang cable television network si Nam ay nilason sa Kuala Lumpur airport ng dalawang babaeng hinihinalang Nokor operatives.
Una nang inihayag ng Malaysian police sa Reuters na isang hindi nakilalang North Korean ang nasawi patungong ospital mula sa KL Airport.
By: Judith Larino