Humablot ng silver medal ang isang sampung taong gulang na half filipina gymnast sa Vault at umukupa ng ika-9 na rank sa kanyang age division sa 2020-2021 National Invitational Championship sa Dells, Wisconsin.
Si Victoria Ria Casia Sessions ay nakakuha ng score na 37.800/40 sa 2020-2021 State Championship nuong Marso kaya’t piniling maging kinatawan ng State of Maine.
Ang nasabing half pinay ipinanganak sa New Brunswick, Canada mula sa amang amerikano at naturalized american ang kanyang ina mula sa La Union.
Sinabi ni ria na mahal niya ang gymnastics na sadyang nagpapasaya sa kanya at handa aniya siyang mag compete sa anumang gymnastics event.