Muling ipinaalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na panatlihing mataimtim ang paggunita ng Undas.
Ayon kay CBCP Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Reverend Father Jerome Secillano, wag masyadong bigyan ng pansin ang mga “halloween gimmiks” bagkus ay mas pairalin ang kabanalan ng naturang tradisyon.
Dagdag pa nito, mas mainam kung magtutungo sa mga simbahan, magdadasal, at bibisitahin ang mga namayapang mahal sa buhay kaysa magsuot ng mga nakakatakot na costume.
Magugunitang milyon-milyong katao ang dumadayo sa mga sementeryo tuwing taon para gunitain ang Undas.