Nagsimula ang proseso ng mummification o ang pagprepreserba ng bangkay ng mga yumao noong 3500 BCE sa bansang Egypt. Nakuha ang ingles na salitang mummification sa Latin word na ‘mumia‘, na nangangahulugang wax.
Naidetalye noon pa man na sinasamahan ng mga alay na pagkain ang mga sinaunang libingan noong Badarian period sa Ehipto na nagpapahiwatig ng paniniwala sa panibagong buhay matapos ang kamatayan.
Gayumpaman, ayon sa paniniwala ng mga Egyptians, posible lamang ang walang hanggang buhay kung ang katawan ng isang namayapa ay mananatiling buo o intact.
Inililibing ng mga sinaunang Egyptians ang kanilang mga yumao sa isang mallit na hukay sa disyerto. Ngunit kinalaunan, nagsimula na ring maglibing ang mga Egyptians gamit ang isang kabaong upang protektahan ang katawan sa mga mababangis na hayop sa disyerto.
Sa maraming siglo, ang sinaunang mga taga-Ehipto ay bumuo ng paraan ng pagpapanatili ng mga katawan upang manatili silang parang buhay. Kasama sa proseso ang pag-embalsamo sa mga katawan at pagbabalot sa mga piraso ng linen. Sa araw na ito ay tinawag ang prosesong mummification.
Ang pamamaraan na ginagamit sa mga mataas na opisyal mula sa New Kingdom era hanggang sa pagsisimula ng Late Period, mga 1550-664 BCE sa Egypt, ay itinuturing na panahaon ang pinakamahusay at pinakakumplikadong proseso ng mummification na kinabibilangan ng pagpapanatili ng mga internal organs at ang pagprepreserba ng katawan.
Ang puso, na nagsisilbing sentro ng lahat ng kaalaman at damdamin, ay kadalasang hindi ginagalaw sa proseso habang ang utak, ang madalas na itinatapon.
Sa kasaysayan naman ng Pilipinas, naitala na rin noong sinaunang panahon ang tradisyonal na pagprepreserba ng mga yumao na karaniwang gawain ng mga tao sa kabundukan ng hilagang Luzon. Kasabay nito, ilang mga kwentong misteryo na rin ang naglipana habang lumilipas ang panahon.
MUMMIFICATION NG TRIBONG IGOHANG SA IFUGAO
Sa isang barangay sa Banaue, Ifugao, matatagpuan ang isang bahay na punong-puno ng bungo ng hayop. Ayon sa paniniwala ng mga nakatira rito, ito daw ay simbolo ng may mataas na posisyon sa kanilang tribo, ang Tribong Igohang. Sa katabi ng kubo na ito ay isa pang maliit na kubo na kung saan dito nakalagay ang mga katawan ng mga yumaong limang dekada na ang tanda. Pero ang mga katawan sa maliit na kubo ay mistulang hindi naaagnas kahit na ito ay hindi dumaan sa proseso ng mummification.
Bago buksan ang naturang kubo, nagsasagawa ang Tribong Igohang ng isang ritwal na tinatawag na “Otong”. Ang “Otong” ay isang ritwal na kung saan ito ang paraan ng pagtawag ng kaluluwa sa namayapa nilang kamag-anak para manghingi sa mga ito ng gabay.
Nakabalot sa katutubong kumot ang mga katawan sa loob ng naturang kubo. Nakalabas ang bungo at kapansin pansin na ang mga ito ay hindi naaagnas at ang ilan pa ngang mga parte ay may kaunting balat pa. Ang mga balat na ito ang sinasabi nilang pagkakakilanlan ng kanilang mga yumao. Si Bayangan Limangya ang pinakamatandang katawan na nasa loob ng kubo. Namatay ito noong pang 1960s. Kasama niya rin sa naturang kubo ang kanyang asawa na si Payyaga Limangya na namatay noong 1970s. Ang pinakabata naman sa lahat ay si Manuel Ordillo. Ampon ito ng mag-asawang Limangya na sumakabilang buhay naman noong 2004.
Silang tatlo sa kubo ay nakatalungko at ito ay dahil sa noong namatay ang tatlo, nakaupo raw ang mga ito sa tinatawag nilang “Hangdel”.
Nagsimula ang kanilang pagma-mummify mula kay Fernando Bahatan Sr. Limang taon mula nang siya ay mamatay noong taong 1959, binuksan ng anak nito ang kanilang kabaong at kanilang nakita na mayroong pa itong mga kaunting balat kung kaya’t binalot nila ito ng mga native blankets. Ganito rin ang nangyari noong buksan ang mga labi ng kanilang mga kamag-anak at napansin din na talagang naka-intact pa ang mga buto ng mga ito.
Batay sa isang pahayag ni Alex Ordillo na isa sa mga miyembro ng tribong Igohang noong minsan nang na naitampok sa isang magazine show sa isang local TV network, hindi raw nakagawian sa kanilang komunidad ang pagsasagawa ng mummification. Isa sa naiisip nilang dahilan kung bakit nakapreserba ang mga katawan na ito ay dahil sa herbs o mga halaman na ipinapahid sa mga ito at para mapanatili ang kondisyon ng mga ito, nililinis nila ito tuwing Nobyembre.
MARIA DE JUAN BASANES
Sa Baranggay Casanayan, Pilar, Capiz City, merong isang bangkay na hindi naaagnas. Ito ay ang katawan ni “Maria De Juan Basanes” o mas kilala sa tawag na “Lola Ibe”. Taong March 1929 nang siya ay bawian ng buhay. Sampung taon din siyang nailibing sa sementeryo nang magplano ang kaniyang pamilyang ilipat siya ng libingan dahilan para ito ay hukayin. Doon natuklasan na buo pa rin ang bangkay ni Lola at walang bahid ng pagkaagnas. Ang itsura ng katawan niya ay hindi naaagnas maski ang kanyang mga mata ay hindi pa rin nabubulok. Mula noon, himala itong itinuring ng mga kaanak ni Lola Ibe pati na rin ang ilang kapitbahay. Hanggang sa dinayo na ang bangkay ng mga taga ibang lugar.
Sa unang Sabado ng bawa’t buwan, nagtutulong-tulong ang mga kamag-anak at mga kapitbahay ni Lola Ibe para palitan ang kanyang suot na damit. Pinupunasan ang kanyang katawan ng basang bimpo dahil itinuturing na nakakapagpagaling ito, ang iba naman ay iniinom pa ang katas ng tubig mula sa bimpo na ginamit pamunas ng katawan ni Lola Ibe.
Si Maria Luisa Jase, isang residente rin sa Pilar naman ay ang kanilang pinaniniwalaan na instrumento ni Lola Ibe para makapanggamot ng iba.
KABAYAN MUMMIES
Ang “Fire Mummies” o Kabayan Mummies ay ang grupo ng mga mummies na nakita sa kabundukan ng Kabayan na isa sa mga lugar sa probinsya sa Hilagang Luzon.
Pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na ang Kabayan Mummies ay ginawa ng mga Ibaloi noong 1200 at 1500 AD sa limang lugar sa Benguet at ito ay naka tago sa mga kweba.
Isa sa mga pinagkaiba ng fire mummies ay ang kanilang proseso ng mummification na kung saan pagkatapos mamatay ang isang tao, ang kanyang bangkay ay hinuhugasan at sinusunog para matuyo. Ang usok na galing naman sa tobacco ay inilalagay sa bibig ng namayapa para matuyo din ang internal organs nito. Sinasabi ring pinapahiran nila ito ng mga herbs o halaman sa katawan ng yumao. Pagkatapos, kanila nang inilalagay ang katawan ng yumao sa ataul na gawa sa pinewood at iniiwan sa mga kweba. Natigil lamang ang ganitong kaugalian noong dumating na ang mga Espanyol sa Pilipinas at masakop ang bansa noong 16th century.
Nadiskubre ang fire mummies noon pa lang 20th century.
Hanggang ngayon, ang ilan sa mga mummies ay nasa kweba pa rin pero ang iilan ay nanakaw na kung kaya’t naideklara na itong kasama sa “100 Most Endangered Sites sa Mundo”.
Kasama naman ang Kabayan Mummy Burial Caves sa National Cultural Treasures ng National Museum of the Philippines ayon sa Presidential Decree no. 374 at ito rin ay napabilang sa UNESCO World Heritage Site.