Halos 1.2-M doses ng COVID-19 vaccine na Pfizer-Biontech ang dumating sa bansa kahapon.
Unang dumating ang 924,300 doses ng naturang bakuna na donasyon ng Estados Unidos sa pamamagitan ng Covax facility.
Sinabi ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Assistant Secretary Wilben Mayor na lahat ng rehiyon ay makatatanggap ng suplay ng Pfizer.
Aniya, nakalaan rin ito para sa pagbabakuna sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taon.
Bandang alas-9 ng gabi naman nang dumating ang 272,610 doses ng Pfizer vaccines na binili ng pamahalaan.
Hinimok naman ni Mayor ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang kanilang pagbabakuna kontra COVID-19 upang maabot ang herd immunity. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45), sa panulat ni Hya Ludivico