Inaasahang darating na sa susunod na buwan ang halos 1.3 million doses ng AstraZeneca vaccine para sa pribadong sektor bilang bahagi ng tripartite deal.
Ipinabatid ito ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na nagsabing halos 100 kumpanya ang makikinabang sa unang batch ng nasabing bakuna.
Sinabi ni Concepcion na nakipag-ugnayan na sila kay Labor Secretary Silvestre Bello III para atasan ang mga empleyadong magpabakuna na kaagad pagdating ng AstraZeneca vaccines.
Nobyembre ng taong 2020 nang lumagda ng kasunduan ang private sector sa British-Swedish manufacturer at national government para sa 2.6 million doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na nagkakahalaga ng P600-milyon.