Dumating na sa bansa ang halos 1.5 milyong Moderna vaccines mula Estados Unidos, kahapon.
Nanawagan ang National Task Force Against COVID-19 (NTF) sa mga hindi pa nababakunahan na magpabakuna na lalo na’t may banta ng Omicron variant sa bansa.
Nanindigan naman si Assistant Secretary Wilben Mayor, pinuno ng ntf Strategic Communications Sub-Task Group on Current Operations, na meron nang sapat na suplay ng bakuna kontra COVID-19 ang Pilipinas.
Samantala, sinabi rin ni Mayor, na umabot na sa mahigit 38 pinoy ang fully vaccinated laban sa COVID-19. —sa panulat ni Jam Tarrayo