Inaasahan ng Commission on Elections (COMELEC) na halos 1.7M ang Pilipinong nasa ibang bansa na lalahok sa Overseas Absentee Voting (OAV) kaugnay sa nalalapit na eleksyon.
Batay sa pinakahuling datos ng COMELEC, nasa 1, 697, 215 ang rehistradong Overseas voters kung saan 1, 677, 631 ang Land-based voters habang 19, 584 ang Sea-based voters.
Kalahati ng nasabing indibidwal ay mula sa Middle East at Africa at sinundan ng Asia Pacific Region.
Nasa mahigit 1M naman ang babaeng Overseas Filipino Voter habang nasa higit 600K ang mga lalaking botante.
Gaganapin naman ng isang buwan ang Overseas Absentee Voting na magsisimula sa Abril a-10 hanggang sa araw ng eleksyon. —sa panulat ni Airiam Sancho