Mahigit 973,000 additional doses ng Pfizer-Biontech COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa kagabi.
Pasado alas 9 kagabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang eroplanong may lulang mga bakuna mula US.
Ayon kay National Task Force Strategic Communications Sub-Task Group on Current Operations, Assistant Secretary Wilben Mayor, ang bagong delivery ay bahagi ng mga biniling Pfizer vaccines ng gobyerno.
Dahil dito, aabot na sa mahigit isandaan at isang milyon ang kabuuang bakunang dumating sa bansa simula noong Marso. —sa panulat ni Drew Nacino