Kinumpirma ni Crime Lab Chemistry Division Chief Supt. Victor Grapete na umaabot na sa isang toneladang droga ang nakatambak sa kanilang evidence room.
Sinabi ni Grapete na ang naturang mga droga ay nakumpiska ng pulisya simula noong 1977, at hindi masira dahil sa kawalan ng utos mula sa Korte.
Karamihan aniya sa mga ito ay shabu, subalit mayroon din heroin at ecstacy, at mayroon din mga gamit sa paggawa ng pinagbabawal na gamot.
Bagamat hindi pa nila ma – dispose, tiniyak ni Grapete na hindi mananakaw at mare – recycle ang mga shabu na nasa kanilang kustodiya.
Mga nasawi sa oplan double barrel reloaded ng PNP umabot na sa 88
Walumput walo (88) katao ang nasawi sa Oplan Double Barrel Reloaded ng PNP o Philippine National Police sa nagdaang apat na araw lamang.
Bahagi ito ng kabuuang dalawandaan at pitumput isa (271) katao na naitumba sa anti-illegal drugs operations ng PNP sa ilalim ng Oplan Double Barrel Reloaded na inilunsad nito lamang Marso.
Batay sa datos ng PNP, pinakamarami ang nasawi sa anti-illegal drugs operations sa Region 3 na umabot sa pitumput lima (75) na sinundan ng Metro Manila sa bilang na animnapu (60).
Samantala, mahigit sa labing limang libong (15,000) drug suspects ang naaresto sa mahigit syam na libong anti-illegal drugs operations na ikinasa ng mga pulis.
By Len Aguirre / Katrina Valle |With Report from Jonathan Andal / Aya Yupangco