Halos sampung guro ang umatras sa pagsisilbing bilang electoral board sa Barangay Caladturan Salipada Pindatun, Maguindanao.
Kinumpirma ito ni Maguindanao Police Provincial Director Senior Supt. Edwin Wagan dahil natakot aniya ang mga guro sa kanilang seguridad.
Kaagad namang pumalit sa mga naturang guro ang mga pulis.
Samantala, sunud-sunod namang nagpaputok ng baril ang mga armadong grupo sa Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao kung saan wala namang nasugatan subalit nagdulot ng takot sa mga sibilyan.
Dahil dito, hinigpitan pa ng mga awtoridad ang seguridad sa buong lalawigan.
—-