Walong pulis ang nahaharap na sa mga kasong may kaugnayan sa e-sabong.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson, Col. Jean Fajardo, ilan sa mga kinasuhan ay sangkot sa pagkawala ng mga sabungero sa San Pablo City, Laguna.
Nakikipag-ugnayan pa rin anya sila sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) hinggil sa pag-i-inspeksyon at pag-mo-monitor kung susulpot pa rin ang operasyon ng e-sabong.
Kahapon ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa operasyon ng online sabong dahil sa masamang dulot nito, lalo sa mga ordinaryong mamamayan.