Tinatayang aabot na sa halos isandaang mga kawani ng gubyerno ang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong buwan pa lamang.
Ito’y ayon mismo sa pangulo ay bilang bahagi ng kaniyang hakbang na linisin ang pamahalaan mula sa katiwalian.
Kabilang aniya sa mga ahensyang tinamaan ng sibakan ay ang BOC o Bureau of Customs, BIR o Bureau of Internal Revenue at LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Bagama’t hindi pinangalanan, tila ipinahiwatig ng pangulo na kabilang sa kaniyang sinibak ay si NIA administrator Peter Laviña na sinasabi niyang lalaki na naging bahagi ng kaniyang team mula pa nuong 1988.
By Jaymark Dagala