Umabot na sa halos isandaang indibidwal ang naitalang nasawi matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Binaha ang mga lugar kung saan, nag-iwan ng pinsala sa maraming residente ang naturang bagyo matapos masira ang mga pananim, mga bahay at sasakyan.
Umabot naman sa 300K residente ang nagsilikas matapos ang banta ng bagyo kung saan, pinaka apektado ang Southern at Central Regions.
Sa ngayon ay nakalabas na ang bansa ang Bagyong Odette na ngayon ay tinutumbok ang bahagi ng Vietnam. —sa panulat ni Angelica Doctolero