Lomobo pa sa 95 ang bilang ng mga naaresto sa ika-limang araw ng implementasyon ng election gun ban.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 90 sa mga naaresto ay mga sibilyan, isang pulis, isang miyembro ng Coast Guard, isa mula sa CAFGU at dalawang security guards.
Nakumpiska mula sa mga ito ang 79 na armas, bukod pa ang 325 mga bala, tatlong replika ng baril, dalawang granada at isang pampasabog.
Kasong illegal possesion of firearms at paglabag sa election gun ban ang posibleng kaharapin ng mga naaresto.
By Meann Tanbio