Patay ang halos 100 katao sa matinding lamig na bumabalot ngayon sa Asya.
Bumagsak sa record-breaking ang lamig na nararanasan sa maraming bansa sa North, South at maging sa Southeast Asia.
Naitala ng Hong Kong ang pinakamababang temperatura sa loob ng 60 taon na 3.1 degrees celsius.
Nasa 80 katao ang nakakaranas ng hypothermia.
Naging winter wonderland naman ang China na naitala ang pinakamalamig na temperatura sa kasaysayan na negative 41 degrees celsius.
Nasa negative 46.8 degrees celsius naman ang lamig sa Inner Mongolia habang ang lungsod ng Guangzhou, China ay nakaranas ng snow, pinakauna sa loob ng 60 taon.
Patay naman ang 85 katao sa Taiwan dahil sa nagyeyelong lamig.
Lima naman ang nasawi habang higit 100 ang sugatan sa record-breaking na buhos ng snow sa Japan.
Nabalot ng makapal na niyebe ang western at northern coasts ng japan.
Naparalisa ang transportasyon sa Tokyo habang nakansela ang halos 200 biyahe ng eroplano.
Sa Amami Island sa Southern Japan, bumuhos ang snow sa unang pagkakataon sa loob ng 115 taon.
Na-stranded ang nasa 90,000 katao sa resort island sa South Korea na Jeju Island matapos ma-shutdown ang paliparan sa isla dahil sa snow.
Itinaas naman ang cold wave warning sa Seoul na naitala ang negative 18 degrees celsius na temperatura, pinakamalamig sa loob ng 15 taon.
Sa North India, nasa negative 16 degrees celsius ang temperatura.
By Mariboy Ysibido
*Photo Credit: AFP