Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga orotidad ang 91 kataong nawawala sa nangyaring landslide sa Shenzhen, China.
Ayon sa Xinhua News Agency, mahigit 33 gusali ang gumuho o tuluyan nang natabunan sa nangyaring landslide.
Pangunahing distrito sa probinsya ng Guandong ang lugar na pinangyarihan kung saan ginagawa ang mga produkto kagaya ng cellphone at sasakyan na ibinibenta sa buong mundo.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung papaano umabot sa ganon karami ang naipong construction waste.
By Mariboy Ysibido